Lalaki, binoga ng pikon na sekyu

NAPATAY ANG 51-anyos na lalaki matapos barilin ng shotgun ng security guard na napikon sa pagtatalo kamakailan sa Barangay Silang, Crossing East, Tagaytay City sa Cavite.

Halos mawasak ang katawan ng biktimang si Allan Peñalosa ng Area F, Chest Clinic Compound sa Aurora Blvd., Pasay City.

Samantala, pinaghahanap naman ng mga kinauukulan ang salarin na si Anwar Dimaporo, nakatalagang sekyu sa Country Homes 3 Subdivision.

Lumilitaw na nakipagtalo ang biktima kung saan napikon ang suspek kaya naganap ang krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.