Lalaki, Binaril sa Ulo, Todas

PATAY ANG isang lalaki matapos itong barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay nakatayo sa kalsada kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng krimen sanhi ng tama ng bala sa ulo ng di-pa mabatid na kalibre ng baril ang biktimang si Dennis Sambajia, 29, ng Brgy. 35, Maypajo, Caloocan City.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa agarang pagkakakilanlan sa dalawang suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng hapon, nakatayo ang biktima sa Road 4 Extension, Maypajo nang bigla na lamang sumulpot ang mga suspek na armado ng baril.

Dito, walang sabi-sabing binaril ang biktima sa ulo na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan sa tumakas ang mga suspek sa di-malamang direksyon.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa nasabing krimen.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.