Lalaki, Binaril ng Utol Dahil sa Sirang Tubo

KRITIKAL ANG isang lalaki nang barilin ng utol makaraan ang pagtatalo dahil sa tumutulong tubo ng tubig sa Navotas kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa likod ng ulo si Arnel Custodio, 43 ng Phase 2, Kaunlaran Village, North Bay Boulevard South ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang utol ng biktima na si Abelardo, nasa hustong gulang ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-9 ng umaga, nagtatalo ang mag-utol kung sino ang kukumpuni ng tumutulong tubig ng Maynilad sa kanilang bahay.

Nauwi sa mainitan pagtatalo ng mag-utol hanggang sa kumuha ng kalibre .38 ang suspek at putukan ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRMMC.  (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.