Lalaki, Binaril ng Nakamaskara

MALUBHANG NASUGATAN ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng naka-maskara habang ang una ay nakikipag-inuman sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Eduardo Delos Reyes, 39 ng Phase 6, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-11 ng gabi, nakikipag-inuman ang biktima malapit sa kanilang bahay nang sumulpot ang suspek na naka-maskara at walang salitang pinagbabaril si Delos Reyes.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa EAMC.

Inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng suspek.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.