Lalaki, binaril ng 2 kakuwentuhan

KRITIKAL ANG isang lalaki matapos itong barilin ng dalawang hindi pa kilalang kalalakihan habang ang una ay nakikipagkuwentuhan sa mga huli kahapon ng hatinggabi sa Navotas City.

Patuloy na inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng kalibre. 45 na baril sa katawan ang biktimang si Anthony Villa Vicencio, 37, ng Espina St., Brgy. Bangkulasi, Navotas City.

Isang follow-up investigation naman ang isinasagawa ng mga awtoridad sa agarang pagkakakilanlan sa dalawang suspek na mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo na hindi nakuha ang plaka.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Espina St., Brgy. Bangkulasi ng nasabing lungsod.

Ayon sa saksing si Josefina Mabanes, 57, kapitbahay ng biktima, bago ang insidente, nakita pa niyang kausap ni Villa Vicencio ang mga suspek.

Makalipas ang ilang minuto, bigla na lamang siyang nakarinig na putok ng baril dahilan upang lumabas siya ng bahay at inalam kung saan nangga-ling ang putok.

Dito, nakita niyang

duguang nakahiga sa semento ang biktima habang papatakas naman ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungong M. Naval St . , ng nabanggit na lungsod.

Isinugod naman sa nasabing pagamutan ang biktima upang lapatan ng lunas ang tinamo nitong sugat kung saan habang sinusulat ang ulat na ito ay nasa malubhang kalagayan.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa nasabing insidente. (MARY H. SAPICO)

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.