Lalaki, 2 Beses Niluray sa Sagasa

PATAY ANG isang 26-anyos na lalaki nang masagasaan habang tumatawid sa harap ng US Embassy sa Roxas Boulevard, Ermita, Maynila, kamakailan.

Kinilala ang biktima na si Eduardo Seredrica, ng Mandaluyong City na agad na nasawi matapos dalawang beses masagasaan ng kotse at truck dakong ala- 1:00 ng madaling-araw, habang tumatawid patungong Baywalk, ayon sa ulat ni PO3 Marco Saunar.

Kapwa naman pinipigil sa Manila Traffic Parking Bureau ang driver ng kotse  na si Patrick Sherwin Cabansag, 21; at Ronald Purol, 26, ang driver ng truck na nakaararo sa biktima.

Depensa ng driver, ang kotse ang unang nakabangga kaya sumabit sa kanyang truck at nasagasaan subalit itinanggi naman ni Cabansag na siya ang nakabangga.

Nalaman na isang motorista ang nagmagandang loob na harangin ang dalawang driver at saka tumawag sa mga awtoridad kaya hindi nakatakas ang mga ito.

Samantala, isinasailalim na sa ma¬susing pagsusuri ang mga sasakyan upang matukoy kung alin ang unang nakabangga sa biktima.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.