Laklakan sa Outpost ng Camsur

0932505xxxx – Tol Raffy, isa po akong concerned citizen. Gusto ko pong ireklamo at maaksyunan ang aming problema dito sa O-campo, Camarines Sur. Gabi-gabi na lang nag-iinuman ang mga pulis dito sa aming outpost. At talagang makakapal ang mukha dahil mga nakasuot pa ng uniporme ang mga ito. Papa’no nila magagawa ang kanilang trabaho kung palagi silang lasing? Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.

 

0928384xxxx –  Sir Idol, dito po sa aming lugar sa Calamba City ay mayroong hotel na ilang beses nang ipinasara ngunit patuloy pa rin ang pag-o-operate. Ito po ay ginagawang kuta ng prostitusyon. At sana po ay maipahatid ninyo ito sa kinauukulan dahil napakaraming menor de edad ang nasisira ang buhay. Maraming salamat po.

 

0915351xxxx – Boss Raffy, gusto ko pong  magreklamo dito sa tanggapan ng TORO (Tricycle Operation and Regulatory Office) sa Pasig City. Patapos na po ang taon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila naibibigay ang 2011 City Plate Sticker. Napakagaling nilang maningil pero hindi nila maibigay sa tamang oras ang aming kailangan.

 

0916553xxxx – Mr. Raffy, dito po sa San Juan, Barangay Little Baguio, malapit sa tanggapan ng pulisya, ay mayroong bukis ng karera na ang nagmamay-ari ay kabit ng pulis. Nagmamalaki po ito na walang puwedeng humuli sa kanya dahil ito ay may basbas sa taas. Sana po ay mabigyan ng leksyon ang mga abusadong taong tulad nito.

 

0947335xxxx – Sir Raffy, idudulog ko po sa inyo ang a-king reklamo . Dito po sa New Bilibid Prison ng Maximum Section Compound ay mayroong preso na nagngangalang Percival Fabilina. Ito po ay naniningil ng halagang tatlong libo para maging passes sa pagdalaw sa aming mahal sa buhay na nasa loob ng kulungan. Sana po ay mabigyan ninyo ng aksyon ang bagay na ito. Napakarami ko na pong nilapitan tungkol sa bagay na ito pero nananatiling walang aksyon ito. Ang katunayan nga po ay sinisingil din ako ng halagang dalawang libo para maipasok ko sa gate ang mga kailangan ng aking asawa. Tulungan po ninyo kaming mga biktima na putulin ang kawalanghiyaan ng taong ito. Maraming salamat po.

 

0942677xxxx – Mr. Tulfo, dito sa lugar ng Barangay Tres, Reclosado Compound ay masasabing pinabayaan ng aming kapitan. Napakatagal na pong panahon na lubak-lubak ang mga kalye, walang pundasyon ang mga kanal, at walang ilaw ang mga poste. Sana naman po gamitin nila ang budget ng aming barangay para maaksyunan ang mga problemang ito. Humihingi po kami ng tulong sa inyo na kalampagin ang taong namumuno sa aming lugar.

 

0926403xxxx – Mr. Raffy Tulfo, isusumbong ko po ang singilan ng Police Clearance dito sa lugar ng Balagtas, Bulacan. Ito po ay nagkakahalaga ng tatlong daan bawat kopya. Ang mahirap pa po rito ay hindi sila nagbibigay ng resibo para sa iyong binayaran. Sigurado po ako na mayroong nakikinabang sa loob ng opisina. Sana po ay masugpo na ang kanilang maling Gawain. Maraming salamat po.

 

Para sa inyong mga sumbong at reklamo mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO. Maaari ring magsadya sa aming action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.