Lakas-CMD Candidates, Walang Pag-asang Manalo

AMINADO ANG ilang miyembro ng partidong Lakas ng Tao-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) na wala nang pag-asang manalo ang kanilang mga kandidato sa 2013 midterm elections.

Ayon kay Quezon Representative Danilo Suarez, na may mataas na posisyon din sa partido, naging kaunti na ang kanilang bilang dahil sa paglipat ng mga ito sa ilang partido tulad ng United Nationalist Alliance (UNA) at Liberal Party.

Marami sa mga taga-Lakas-CMD ang may potential sanang manalo subalit nawawalan ng interes dahil sa malakas na makakalaban ng mga ito, ani Suarez.

Bagama’t dehado sa paparating na eleksiyon ay tuluy-tuloy naman umano ang paghahanda nila at pagpapalakas para 2016 national elections.

Nilinaw naman ni Suarez na patuloy pa rin nilang susuportahan ang mga kapartidong lumipat ng ibang partido.

Matatandaan na ang Lakas-CMD ay partido ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.