Lahi sa lahi

NAGSUSULPUTAN NA ang mga foreign celebrities sa showbizlandia, sila ang mga baguhang taartits na walang dugong Pinoy o purong dugong dayuhan. Naglipana nga ang mga utaw sa industriya at kung ipinakilala namin kamakailan ang mga bebot ngayon naman’y mga kalalakihan ang aming ibibida sa inyo, mga kaparazzi. Tatlong baguhang young male stars ang igino-groom ngayon ng ABS-CBN para sumikat, sila ang mga former teenternational housemates ni Kuya sa PBB Teen Clash na sina Ryan Bang, James Reid at Bret Jackson. Sa katapat naman nitong istasyon, tatlong hunk ang binibigyang importansya ng GMA-7, ang mga Brazilian model turned actor na sina Fabio Ide, Akihiro Sato at Daniel Matsunaga. Naku, tapatan pala ng iba’t ibang lahi ang nagaganap, ‘noh! Sa tingin n’yo, sinu-sino ang magtatagal at sinu-sino ang maagang malala-ocean deep sa kanila? Tutukan na lang! Sa ngayon, rarampa muna sila with their formal wear at nagpapalakas sa atin, hehe!

Photos by Mark Atienza

By MK Caguingin
Paparampa
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.