Lahat ng cast ng movie may bonus, liban sa kanya John Lloyd Cruz, naglasing sa sama ng loob?!

VICTORY PARTY ‘yon last Wednesday night para box-office success ng UnOfficially Yours. Siyempre pa, masaya dapat ang lahat ng nandoon. Tuwang-tuwa ang buong cast dahil tinalo na ng Angel Locsin-John Lloyd Cruz movie, na showing pa rin hanggang ngayon, ang My Amnesia Girl nina John Lloyd at Toni Gonzaga. As of two nights ago, naka-P165 M na ito sa box-office.

Pero ‘yun nga, sa kabila ng kasiyahang iyon, isang tao ang malungkot. Ayon kasi sa aming source, nakatanggap nga raw ng bonus ang lahat ng cast mula sa Star Cinema. Except for one, si John Lloyd.

Ayon pa rin sa source namin, hindi raw malaman ni John Lloyd kung bakit lahat ay nabigyan ng bonus, ultimo ang mga staff, pero siya na tinaguriang Box-Office King, walang natanggap ni singkong duling!

Pinaghihinalaang may “internal problems” kaya hindi binigyan ng bonus si John Lloyd. Pero may nagsasabi namang baka “unofficial” ang chikka na ito at bigla na lang sorpresahin ng bonus si John Lloyd ng Star Cinema.
‘Eto na. Dahil nga raw sa sobrang sama ng loob, right after the party, ay nagyaya si John Lloyd sa isang bar sa may Panay Avenue. Doon na ibinuhos ni John Lloyd sa mga kasamang stafff ang kanyang sama ng loob sa Star Cinema.

 

AI-AI, ILANG ARAW NANG ‘DI TUMUTUNTONG SA BAKURAN NG DOS!

 

‘ETO PA ang isang istorya ng ‘sama ng loob’. Ilang araw na nga raw hindi tumutuntong si Ai-Ai delas Alas sa bakuran ng ABS-CBN, mula nang mag-guest ito sa KrisTV.

Ang kuwento ng aming source, sobrang nairita raw si Ai-Ai dahil sa isang insidenteng hindi kinaya ng powers niya.

“Nakikiusap kasi si Ai-Ai sa security guard na baka puwedeng ibaba na lang siya ng driver niya malapit sa studio, at aalis din agad ang sasakyan niya pagbaba sa kanya. Eh, hindi pinagbigyan… ayun, nairita si Ai-Ai!” Sabi ng source.

Pero okay lang naman daw ‘yon sa komedyana. Ang ipinagsisintir ni Ai-Ai, ayon sa source, ay ‘yung nagpapasundo na siya sa driver pero sinabihan siyang ayaw talagang pumayag ng security na sunduin siya na kaunin siya sa gusto niyang area.

Kaya naman daw ang nangyari, mahaba-habang lakaran ang inabot ni Ai-Ai mula sa new building patungo sa lobby ng old building para masundo lang siya.

At mula nga raw noon, nagdeklara na ang komedyana na hindi na muna siya tutuntong sa ABS-CBN. Dahil din dito, kung kaya’t sa halip na sa ABS-CBN ginawa ang presscon ng Wako Wako, ay sa ibang lugar na lang outside ABS-CBN ginanap.

Hindi raw kasi darating si Ai-Ai kung sa loob ng ABS-CBN gagawin ang presscon.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Related Post

loading...

14 thoughts on “Lahat ng cast ng movie may bonus, liban sa kanya John Lloyd Cruz, naglasing sa sama ng loob?!

  1. malamang si john lloyd ang walang bonus dahil kada success ng movie nya sya ang nagpapa-bonus kaya nung a very special love with sarah geronimo movie. mga tao para lang may maisulat at makasira sa iba.

  2. REALLYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY TRULYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY

  3. whaaaaaaaaaaaaaaaaatt!!!?? nahigitan ng unofficially yours ang my amnesia girl??!!!! flop nga yung unofficially yours ee whereas ang my amnesia girl, true box office! please lang!  basta flop ang unofficially yours at talagang kumita ang my amnesia girl!

    siguro may menstrual period si mama ai ai kaya nairita or baka nag away sila ng young bf nya kaya nagka issue ng ganyan hahahahaha

  4. parang hindi naman totoo ito? si jlc pa di binigyan ng bonus e siya umikot ang pelikula at box office king pa mandin. halos lahat ng movie ni jlc at ni direk cathy garcia molina kumita. if there’s anything pina ka deserving si jlc na bigyan ng bonus.

  5. Ang writer na to ingot!.,. Si JLC maglasing dahil Hindi nakatanggap ng bonus? Haller? Ang yaman Ni JLC kompara sa mga kasama nya sa movie(except Kay angel rich din kc siya)talaga mga manunulat basta nalang Kung anu ano pinagsasabi para Lang may maisulat

  6. sana di totoo. si loydie ang nagdadala ng pelikula, consistent na moneymakers ang movies niya. sana magawan ng paraan.

  7. etcusera kang writer ka….common sense nga kung c JL pa ang hindi bibigyan ng bonus..bago ka lang siguro noh? nako e mag husay ka at sala sala yang report mo 

  8. PARANG si SWARDING lang kung gumawa ng article ang writer na to….puro kabobohan lang….haaayyyy….sa tingin nyo naman ganun ka babaw ang pag iisip ni JLC at Ms AIAI ng dahil sa ganun mga dahilan eh gagawin na nila ang sinasabi ng writer sa article na to???

  9. Kung tutoo iyong kay Ai Ai, napaka yabang naman niya. Anyway, she needs the excercise. Marami raming fats din ang kailangang i-get rid niya. Medyo malaki laki ang bilbil. She needs to walk or better yet, jog.

  10. Kaloka kang entertainment writer ka. Pangarap mo yata maging fiction writer. Nakabuo ka ng dalawang fictitious articles ng nakatitig ka lang sa dingding at kisame.

Leave a Reply

Your email address will not be published.