Lahat ng alam sa poll fraud, ilabas na Moner, pinakakanta ni Jinggoy

HINAMON NI SENATE President Pro-Tempore Jinggoy Estrada ang former judge ng Shariah Circuit Court na isiwalat na rin kung sino ang iba pang sangkot sa nangyaring dayaan noong 2004 presidential elections.

Sinabi ni Estrada na maaaring marami pang nalalaman si Nagamura Moner sa nangyaring dayaan sa halalan maliban sa pagdawit nito kay dating Unang Ginoo Mike Arroyo.

Gayunman, hindi maiwasan ng senador na magduda sa kredibilidad ni Moner matapos itong bumaligtad ngayong bago na ang administrasyon.

“I remember Judge Moner when we were investigating him in 2005 yata… Bakit nga-yon lang siya lumabas? Dahil ba may threat siya noon? Ilabas na niya kung sino talaga.. well, nilabas niya si Mike Arroyo. Idamay na niya lahat ‘yung mga involved sa cheating ng 2004 and if he knows cheating in 2007, ilahad na niya rin,” ayon kay Estrada.

Hindi pa siya kumbinsido sa naging testimonya ni Moner sa Senate blue ribbon committee matapos manahimik ng ilang taon bago isiniwalat ang anomalya sa halalan, ani pa rin ng senador.

Nalaman na sa testimonya ni Moner sa komite, ibinunyag nito na inutusan siya ni Mike Arroyo sa pamamagitan ng noon ay manager ng Philippine Ports Authority (PPA) na si Alfonso Cusi para manipulahin ang resulta ng halalan sa pagkapangulo sa lalawigan ng Lanao del Sur, Tawi-Tawi, Sulu, Sultan Kudarat at lungsod ng Cotabato.  (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.