Laguna Gov.ER Ejercito, pinaasa sa wala ang sariling kababayan!

SA BAYAN ng Calamba sa Laguna isinilang ang ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal, mukhang sa bayan ding ito ipanganganak ang public outrage sa panunugkulan ni Laguna Governor ER Ejercito.

Kuwento ito tungkol sa isang RN o registered nurse, a resident of Calamba, who has been working  as a volunteer without pay. Hangad ng RN na makapasok sa Calamba General Hospital more than landing a job at any hospital in Metro Manila dahil na rin sa kanyang  proximal advantage.

Ayon sa kanyang nakausap sa inaaplayang pagamutan, pirma lang daw ni ER ang kailangan as recommendation.  Without going into specifics, nakakuha agad ang RN ng isang sulat mula sa isang showbiz celebrity closest to the Laguna governor, a personal  handwritten note seeking consideration sa idinudulog ng nars.

Hindi na nag-aksaya ng panahon ang RN, she showed up at the Kapitolyo at 9 a.m. with that letter that might be of help to her as far as getting assigned at the town’s general hospital was concerned.

Pero hulaan n’yo kung anong oras na pinakiharapan ni ER ang RN? Not an hour or two later, but 12 midnight! Yes, hatinggabi na nang maasikaso ang RN na matiyagang naghintay kay ER nang buong araw — exactly 15 hours — ay naubos sa kaliwa’t kanang meeting that day.

Wala namang problemang mag-antay even if it took all of eternity, pero hindi naman yata okey na sabihin ni ER sa RN na sumama raw muna ito sa mga medical mission sa Laguna sa loob ng apat na buwan bago payagang makapagtrabaho sa ospital sa Calamba.

Sa madaling salita, the RN’s visit to ER’s office was fruitless as it was depressing. Mapalalampas na raw sana ‘yon ng pamilya ng pobreng RN, kaso nagdayalog daw ang taong malapit kay ER to whom the personal letter was addressed.  Kesyo mahiyain daw ang RN nang makaharap ni ER.

Unang-una, hindi campaign manager ni ER ang inaaplayan nu’ng RN na kailangang maangas ang dating para ilako ang kanyang ikinakampanya. At ano naman ang diperensiya kung mahiyain o kimi ang RN, eh, iginagalang na gobernador ang kanyang kaharap? Shyness or laidback attitude should not be mistaken for being less qualified for the job.

Sa aminin man o hindi ni ER, isa itong malaking setback sa kanyang panunungkulan, if not in his reelection bid in the 2013 elections. Ang galing-galing niya sa mga non-Laguna residents, pero sa mga kababayan niya ay hindi pala siya maaasahan?

Lip service in public governance? Mukhang dito “registered” ang mister mo, Mayor Maita!

 

MALA-BEATLES ANG peg ng tarpaulin alongside ng movie poster ng Star Cinema offering na Reunion, na bale ba ay me-rong electric guitar sa poster ng pelikulang tampok sina Enchong Dee, Xian Lim, Enrique Gil at Kean Cipriano.

A male barkada youth movie directed by Frasco Mortiz, Reunion is a give-away in its central plot. After college, in their mid-20s ay nagkaroon ng reunion ang mga batchmates in high school, and this is where the riot begins.

Bukod sa pagsariwa ng kanilang fond memories, dito matutuklasan ng apat na bidang lalaki ang dahilan kung bakit may kakulangan sa kanilang mga buhay. As the four reflect upon their past, napagtanto nila that unless they rectify their mistakes ay hindi sila magtatagumpay sa kanilang mga pangarap.

Ayon kay Direk Frasco (who also directs Banana Split ), genuine friendship and honesty to oneself are two of the many values na maaaring kapulutan ng mga kabataan mula sa pelikulang ito.

Showing this August 15, Reunion also stars Matt Evans, Jessy Mendiola, Megan Young, Julia Montes, Bangs Garcia with special participation of Cristine Reyes as Ara (no malice intended).
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

5 thoughts on “Laguna Gov.ER Ejercito, pinaasa sa wala ang sariling kababayan!

  1. baka naman kulang ang kwento  ni RN??? baka may sinsa sabi sa kanila before sila manumpa as volunteer nurse.. baka gusto lang talaga ni RN na mag stay sa gov’t. hospital??? kow… lagunense…. himutok ka ng himutok…. may nagawa ka ba para sa bayan mo???

    • tapos na ang martial law… may karapatan ang bawat Pilipino na batikusin ang sino mang nasa pampublikong serbisyo… nasa Philippine Constitution po iyan. Ang MALAKING MALI ay supilin ang karapatang ito.

  2. sa pagmumukha pa lang ng gov ejercito na mukhang maniac at hindi mapagkakatiwalaan, aasa pa ang isang RN? mag abroad na lang sya kesa magserve sa mga walang kwentang maytungkulin sa govt at sa mga yellow zombies na naglipana sa pinas.

    • Hehehehehehe, Hala ka shebie, lagot ka kay Jobert Sucaldito at Cristy Fermin. Palagi nila itong pinasalamatan si ER Ejercito, PR ni ER itong dalawang kumag na ito.

  3. masyadong big deal sayo ang nangyari sa RN carrasco? o binayaran ka na naman para maagang paninira sa isang opisyal? masyadong maliit yang issue na yan eh pinapalaki mo pa, nakikipulitika ka naman dapat pure showbiz lang kahit taga showbiz dati ang isinusulat mo! 

Leave a Reply

Your email address will not be published.