Lagman, kulong sa panghoholdap

SWAK SA KULUNGAN ang isang alyas Lagman na ka-apelyido ng isang mambabatas matapos nitong holdapin ang isang estudyante kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan police at nahaharap sa kasong Robbery-Hold-up ang suspek na si Ronald Barcillano, aka Lagman, 20, binata, ng Phase 9 Package 2, Staging Area Globe TM GK Village, Bagong Silang, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente sa Phase 4, Bgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod habang ang biktima ay naglalakad.

Ayon sa biktimang si Rubygel Malto, 17, estudyante, ng Phase 4, Bgy. 176, Bagong Silang, naglalakad ito pauwi sa kanilang bahay nang biglang sumulpot ang suspek sa kanyang likod at tinutukan ito ng patalim saka nagdeklara ng holdap.

Kinuha ng suspek ang Nokia cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng P1,500 saka tumakas subalit agad namang humingi ng tulong ang biktima na nagresulta sa pagkakadakip kay Lagman.                                               (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.