Lagi na lang ginagawan ng nega issue
Marian Rivera, ayaw nang patulan ang intriga

AYAW NANG patulan ni Marian Rivera ang mga intrigang naglabasan na naging cause of delay daw ito sa taping ng Genesis nang dumalaw ito kay Dingdong Dantes.

Maraming mga taga-Genesis ang nagsabi na hindi totoo ‘yun. Nagkaroon lang daw ng problema sa production kaya medyo natagalan.

Nalambingan lang daw si Marian na magdala ng pizza dahil blowout daw kay Dingdong sa pagkapanalo niya sa Gawad Tanglaw. Dumaan lang daw siya roon at wala naman daw problema.

Naintriga pang inisnab daw nito si Rhian Ramos, na hindi naman totoo dahil nagkabati naman silang dalawa. Ang alam ko, hindi nga lang tsika nang husto ang dalawa, pero walang isnabang nangyari.

Nakakaawa rin si Marian dahil kahit ano na lang ginagawan ng isyu.

Nu’ng nakaraang Linggo nga, siya na ang lumapit kay Heart Evangelista nang magkita sila sa backstage ng Sunday All Stars para wala nang masabi, ‘di ba?

Siya na ang unang bumati para wala nang isyu. Pero siyempre, hindi na sila tsika-tsika gaya nu’ng dati.

Nandu’n pa nga yata si Lovi Poe na dati ring close friend ni Marian, pero mas close na yata sila ngayon ni Heart.

Pero okay lang kay Marian ‘yun dahil marami naman siyang friends na lagi naman sa kanya.

Basta wala lang daw siyang ginagawa, at hindi naman siya inuunahan, wala silang makukuha kay Marian. ‘Yun na!

 

NAPAPAG-USAPAN LANG namin ng ilang kaibigan sa isang lunch nu’ng kamakalawa ng hapon ang tungkol kay Cesar Montano na nagsimula na sa Akin Pa Rin ang Bukas sa GMA 7.

Marami kasi ang nakapansin na parang bumabata ito kaya ang duda ng karamihan meron itong pinagawa sa mukha niya kaya nagmukha siyang bata.

Sabi ng manager niyang si Shirley Pizarro, wala raw talaga itong pinagawa dahil ayaw naman ng aktor.

Siguro magaling lang ang make-up artist niya. Pero ang sikreto lang daw talaga ni Cesar ay ang paborito niyang moisturizer na lagi niyang nilalagay sa mukha niya.

Iyon lang daw ang ginagawa at wala raw retoke or something na pinagawa sa mukha niya.

In fairness, effective sa kanya. Kahit dumaan sa matinding problema, bagets pa rin siya.

Ang isa nga sa ginagawa ngayon ni Cesar, dedma na lang sa problema.

Okay naman daw ang usapan nila ni Sunshine sa korte na hati na sila sa mga araw sa mga bata at maayos na raw nilang ginawaga ‘yun.

Naawa lang daw si Cesar sa mga bata dahil apektado sila sa ganu’ng set-up kaya binabawi na lang niya sa extra time na binibigay nito sa kania.

Pero sabi ng ilang close sa mag-asawa, nakikita raw nilang mas masaya ang mga bata kapag kay Cesar sila dahil doon kasi sila sa bahay na kinakalakihan nila at may sarili silang kuwarto du’n. Kaya natutuwa naman daw si Cesar kapag nakikita niya ang mga bata na masaya na kasama siya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

17 thoughts on “Lagi na lang ginagawan ng nega issue
Marian Rivera, ayaw nang patulan ang intriga

    • In your dreams! Tanungin mo mga staff at writer ng mga shows niyan, puro positive words lang masasabinila kay Marian. Yan ang tipo ng tao na marunong magpahalaga kahit sa maliliit na tao sa likod ng camera. Hindi tulad ng iba na pakitang tao lang.

  1. itong si tibo na lolita na ito dapat i kulong din ito kasi yung mga hinarbat nyang datung kay magnanakaw na bong nayan galing yan sa pera ng goberno..kakapal ng mukha

  2. BAKIT ba sobrang insecure up to now ng mga taga Mother Ignacia kay Marian wala naman itong big project lately at pagkakakitaan pa kamo ng GAYBS kung kumita ang KUNGFU Divas dahil sila ang magrerelease nito under StarCinema?

  3. Asa pa kayong kapanipaniwala tong Scam Queen/Harbat Queen/KubradorNiNapoles! Hndi gagawan ng issue yang c Inday na yan kung walang katotohanan yan. Natural ang production super deny na cla na me nangyari kc lagot sila ke Gozon hndi pa nga napapalabas ang Genital ayun at meron ng nega issue. Tanungin nyo c Laglagerang Wiwian ayun at hndi makapagsalita ng diretsahan.

  4. Haller! Obvious ba na natapalan ng pera si Lolita??? Last sunday lang sinabi nya na si marian ang pinaka maganda sa cover ng rogue, at humirit din si ricky lo na lahat naman sila maganda which is true naman… Muka talagang pera, she’s known for that duh.. Scam queen yan so do you expect her to always tell the truth? 

  5. In fairness kay Marian Rivera ha sya pa pala lumapit kay Heart Evangelista…. for a big star to do that eh malaking bagay yun… ibinaba nya pride nya para maging maayos na ang lahat…. Mabait din pala itong babaeng ito!!!

  6. nakatatak na kasi sa isipan ng mga tao ang pagka palengkera niya kaya kahit maganda ang intensyon niya ay nagiging nega ang dating sa ibang tao. Sabi nga, First impression is lasting.

  7. Madami lang talaga ang inggit kay Marian, kaya kung anu-ano ang issue na ginagawa. Mabait si Marian… pero, regardless kung ano man ang ugali niya, private life niya yun. Hindi siya politician na kailangan eh maging mabait. Artista siya. Public figure, pero hindi public official. Different yun. Ang mga public figure may karapatan sa private life na separate sa kanilang trabaho. Ang importante para sa artista eh kung nakakapag entertain. And para sa mga fans niya, she is a wonderful artist. And yun lang ang importante sa akin.

  8. Lolit harbat queen, ikaw na ang susunod na iimbistigahan. Sangkot ka rin sa 10 billion pork barrel scam. Inutusan ka ni Bong Revilla di ba ? Isa ka sa mga lackeys niya. Harbat queen.

Leave a Reply

Your email address will not be published.