Lagi na lang daw silang pinag-uusapan ni Kris Aquino
James Yap, over-exposed na, gusto nang manahimik

James-YapBONGGA RIN kung umeksena itong si Kris Aquino, ha! Bago mag-birthday ang anak niyang si Bimby, inamin niya ang tungkol sa kanila ni Mayor Herbert Bautista.

Sa mismong birthday party naman ng anak niya, siya ang pinag-usapan dahil umiyak-iyak pala ito sa interview niya kay James Yap.

Bongga, ‘di ba? Mapapanood yata ‘yan sa Kris TV niya dahil ‘yun lang ang may exclusive coverage sa party ni Bimby.

Umiyak-iyak daw ito kay James dahil sa matinding galit daw niya noon, hindi niya napatawad ang dating asawa.

Na-realize daw niya na minahal din ni James ang anak niyang si Joshua na ang turing daw ay hindi na iba sa kanya.

Umiyak-iyak na nag-sorry at nag-thank you kay James, kaya bongga, ‘di ba? Ayun pinag-usapan na siya. Hindi na tuloy gaanong napag-usapan ang tungkol sa kanila ni Mayor Herbert.

Nag-sorry rin daw si James sa kanya dahil hindi raw siya naging perfect partner.

Si James nga umiiwas na sa mga interviews dahil tuwing linggo na lang daw, sila ang pinag-uusapan at nai-interview ito. Sabi niya over-exposed na raw siya, kaya gusto na niyang manahimik pagkatapos ng interbyuhan nilang ‘yun ni Kris.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.