Lagi kasing overtime
Willie Revillame, nagbawas lang ng segment sa noontime show

NASAKSIHAN NAMIN ang grupo ng mga bigating director sa Anabel’s resto kamakailan lang at ramdam namin na magiging masagana na naman yata ang film industriy, dahil nga magkakaroon ng Sineng Pambansa. At ang 12 master directors ang magiging bahagi nito.

Ang Film Development Council of the Philippines FDCP ang magi-ging punong abala.

Ang 12 master directors ay walang iba kung sina Tikoy Aguiluz, Maryo J. delos Reyes, Joel Lamangan, Elwood Perez, Romy Suzara, Jun Urbano, Gil Portes, Peque Gallaga, Mel Chionglo, Chito Roño, Carlitos Siguion-Reyna, at Jose Javier Reyes.

May kanya-kanya storyline na ang 12 masters na isinumite sa organizers. At siguradong magpapagalingan ang ating mga master.

Ayon nga kay Direk Jun Urbano, ang telebisyon ang pumatay sa movie industry.

Hangad namin ang tagumpay ng proyektong ito.

Kapag nagkataon hindi na nila masasabing comatose

ang movie industry.

 

BLIND ITEM: Knowing n’yo ba mga friEnd kung sino itong komedyanteng aktres na sobra ang panghihinayanag nang hindi niya inabutan ang taunang oblation run sa University of the Philippines.

Tuwing December kasi, idinadaos ang event na ito. At marami ang mga gustong sumaksi. Unang-una na ang mga bading, babae, at pati na rin ang kalalakihan.

Ang tsika ay nahuli ng pagdating ang komedyana, at laki ng kanyang panghihinayang na hindi nga niya nakita ang mga hubo’t hubad na mga lalaki.

Kaya ang ginawa ni Komedyana, tumawag ng dalawang estudyanteng tumakbo nang hubo’t hubad. At kahit na nakabihis na ang pobreng estudyante ay pilit na isinama ng hitad sa comfort room at doon niya kinuhan ng picture ang mga ari ng dalawa.

Ikaw na komedyana,iba ka talaga. O knows n’yo na ba kung sino siya? Yes, sikat pa rin siya kahit medyo beterano na siya.

Kapag  binabanggit ang name niya ay may paggalang na matatawag.

O gets na ba?

 

MARAMI ANG nagtatanong kung kailan babalik ang segment na ‘Putukan Na’  sa Wowowillie. Ito ang pambato ng said show kaya naman kulang ang araw ng mga suki ni Willie kapag ‘di nila ito napapanood. Ang dahilan ng pagkatsugi ng segment, madalas na sobra sa oras ang kanilang show.

Kaya naman nag-decide na mismo si Willie Revillame na tsugihin na ang said segment.

Pero sa araw-araw na pangungulit ng mga televiewer na ibalik ang segment, hindi malayong ibalik ito ni Willie.

Kung makatutulong ito, why not para ipagkait ito ng TV host.

Kung sa bagay, enjoy naman ang bagong segment na ‘Rock Rollin’.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

6 thoughts on “Lagi kasing overtime
Willie Revillame, nagbawas lang ng segment sa noontime show

    • GALING MO TEH. MUKHANG MAS TAMA KA KASI SABI “sikat pa rin siya kahit medyo beterano na siya.” MAS TAMA NA SI TIYA PUSIT ITO. AT MATAGAL NANG NABABALITA NOON PA NA MAHILIG SA BAGETS ANG LOLA NYO. HAHAHAHA. COUGAR TO THE MAX!

  1. HALA, PARA NAMANG SABIK NA SABIK MAKAKITA NG JUN JUN ITONG KOMEDYANANG ITO HAHA! DAMI NAMAN SA TABI-TABI LALO NA SA QUEZON AVE HAHA!

  2. SINO KAYA ANG KOMEDYANANG OBSESSED SA MGA PUTOTOY NG OBLATION RUN? HAHAHA. KALA KO SI EUGENE DOMINGO KASI SA U.P. NAMAN SYA NAG-ARAL. KASO PWEDE NA BANG TAWAGING BETERANA SI EUGENE? AT YUNG CLUE ABOUT THE NAME, HINDI TLG SIYA. MADLANG PEOPLE, HELLLLPPPP!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.