Lady Trader, Kritikal sa Ratrat ng Hired Killers

NASA MALUBHANG kalagayan ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding men in tandem sa bayan ng Tago, Surigao del Sur.

Naganap ang pamamaril sa harap ng bahay ni Evangeline Ponteverda, 53 anyos, dakong  alas-5:45 kamakalawa ng hapon sa Brgy. Purisima.

Ayon kay CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, kasalukuyang nakikipag-usap ang biktima sa 23 anyos nitong anak na babae nang biglang sumulpot sa lugar ang motorcycle riding in tandem na huminto sa tapat ng mag-ina.

Kasalukuyang ginagamot sa Adela Serra Ty Memorial Hospital si Pontevedra na nagtamo ng tama ng bala sa tiyan at likod.

Sinasabing nagtanong pa umano ang mga suspek kung sino si Gng. Pontevedra dahil may dala umano silang package para sa biktima.

Nang sumagot ang biktima na siya ang hinahanap ng mga suspek ay agad itong pinagbabaril saka mabilis na tumakas patungo sa hindi pa malamang direksyon.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.