Lady trader, dinukot sa Zamboanga del Sur

ISA NA NAMANG negosyante ang dinukot ng umano’y miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Zamboanga del Sur noong Sabado ng gabi.

Gayunman, nilinaw ni  Sr. Insp. Ruzman Eding, hepe ng Pitogo Municipal Police Station, as of 12:20 ng tang-hali kahapon, kanila pang bineberipika kung kidnapping ang naganap sa pagkawala ng biktimang si Monalisa Capa Y  Almonte, 30 anyos.

Sa sketchy report na nakarating sa Camp Crame, alas-6:45 ng gabi nang dukutin ng 10 armadong lalaki si Capa sa harap ng kanyang tahanan sa Purok Pitogo, Brgy. Poblacion, Pitogo, Zamboanga del Sur.

Ayon sa mga kapitbahay ni Capa, dinala ng mga lalaki ang biktima patungong Olutanga Island sakay ng pumpboat.

Agad namang ipinag-utos ni PNP Chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome na kumpirmahin agad ang pagdukot upang makakilos na ang itatayong crisis committee para sagipin ang biktima.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.