Lady trader, binaunan ng bala sa ulo makaraang holdapin

CAMARINES NORTE – NAULIT sa lalawigang ito ang istilo ng pagpaslang kay Sheryl Agnes Sarmiento na pinagbabaril ng hindi kilalang salarin nang bababa na sa kanyang sasakyan sa Quezon City kamakailan.

Sa pagkakataong ito, robbery ang mo-tibo ng pagpaslang kay Romina Pestin Y Sentin, 46-anyos, negosyante na binaril sa ulo sa harap ng kanyang bahay sa Purok 3, Brgy. Plaridel noong Lunes ng alas-9:00 ng gabi.

Ayon kay Chief Insp. Elton Lacson, tagapagsalita ng PNP Camarines Norte, kasama ng biktima ang anak at limang mga saleslady na papasok na sana sa gate ng kanilang bahay nang bigla na lamang sumulpot ang riding in tandem at tinutukan ng baril sa ulo ang negosyante sabay kalabit sa gatilyo.

Sinundan ito ng pagkuha ng mga suspek sa bag na naglalaman ng umaabot sa P400,000 at saka mabilis na tumakas sa kanilang motorsiklo.

Ayon kay Lacson, nai-establish ng mga suspek ang galaw ng biktima na laging may dalang malaking pera tuwing uuwi ng bahay. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.