Tago: Lady solon, kamuntik nang mahubaran sa session hall

“Be careful of what you wish for, ’cause you might just get it all”, ayon nga sa kanta na puwedeng gawing theme song ng ating bida mambabatas. Paano ba naman, mga kaparazzi of the Philippine Island, sobra pa sa kapansin-pansin ang resulta ng kanyang ginawang pagpapapansin sa session hall ng isang chamber of the Philippine Congress.

Ayon sa tip na nasagap ni Chikadorang Malupet, isa raw lady solon ang pinagtinginan ng mga miron dahil sa palpak na wardrobe. Paano ba naman, halos lumuwa na ang katawan niya sa suot na bestida, mabuti na lamang at naagapan ito ng staff niyang aligaga.

Ang siste, kinarir daw ni Lady Solon ang pagrampa para naman masabihan siyang “beautiful girl” ng kanyang mga kasama. Isang mamahaling bestida ang isinuot niya para bonggang-bongga ang entrance niya.Pero sa kung anong kamalasan, sumabit ang kanyang precious wardrobe sa isang matulis na bagay kung kaya napunit ang likod ng kanyang damit.

Nakaka-panic siempre pero composed at kalmado lang ang lady solon sa sinapit. ‘Yun nga lang, sa halip na bumalik ng kanyang opisina at doon ayusin ang napunit na wardrobe, ipinatawag na lang niya ang kanyang staff at sa loob na lang mismo ng ng session hall, tinahi ang damit, as in front of all those spectators (A.K.A. miron). Ang tsika, takot daw kasing ma-late ang lola kaya kahit nakakadiyahe sa madla, kebs na lang siya.

Hay, Lady Solon na allergic sa balwarte ng kanyang ex-lover na taga-Luzon, sana naman kapag nangampanya ka next year, siguraduhin mo na walang wardrobe malfunction, ha?

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.