Tago: Lady Solon, Adjustadora ng salong-dede

Automatic na nga yata sa ating bidang lady solon ang kakaibang gawi na medyo matagal-tagal na rin niyang ginagawa.

Ayon sa tsismis ng ating Chikadorang Makulit, laman daw ngayon ng huntahan ang isang kasapi ng Upper Chamber of the Philippine Congress. Sa kung ano kasing sapak ng tadhana, madalas daw mapagkita ang ating bida na nag-a-adjust ng bra o salong-dede sa harap ng madla.

Hindi naman kalakihan ang kanyang hinaharap, pero dahil siguro may mali sa pinili n’yang bra, tila ba lagi itong nawawala sa puwesto kaya madalas, inaapuhap niya ito at inaayos.

Sabi ng isang mahilig magkomento, “wala namang masamang mag-ayos ng bra. Pero kung sa harap ng publiko, eh, kakalkalin ang bra, mukhang ibang usapan na.”

Dagdag pa ng isa, “baka naman hindi s’wak ang size o medyo napaliit o napalaki ang cup para sa kanya.”

Hirit pa ng isa, “maski sa harap ng isang lalaking kapwa niya mambabatas, walang pakundangan itong nagbutingting ng bra, tama ba ‘yun, mudra?!”

Kung anu’t anupaman, malinaw na iisa ang reaksiyon ng madla. Hindi yata tama ang ginagawa ni Lady Mambabatas, lalo pa’t pinagpipitaganan ang imaheng gustong i-project nito sa madla. Ang sagwa raw naman kasing kitang-kita ng lahat ng tao ang ginagawa niya.

Hay, magandang Lady Solon , baka naman ‘pag naluklok ka sa puwesto ngayong 2010 poll, eh, madala mo sa puwesto ang pag-a-adjust ng bra. Paano kung mga foreign dignitaries ang kaharap mo, baka akalain nila, kakaiba talaga ang Ebang Pilipina.

Related Post

loading...

2 thoughts on “Tago: Lady Solon, Adjustadora ng salong-dede

Leave a Reply

Your email address will not be published.