Tago: Lady solon, adik sa mga press releases

Matindi na nga yata ang pangangailangan ng mga aspiring candidates of the Philippine politics. Sa gitna kasi ng maiinit na topics, may ilang makulit na pilit isinisingit sa mga hot na hot na topics ang kanilang dearest self.

Ito ang napag-alaman ng Pinoy Parazzi kay Chikadorang Makulit matapos tumambay ang huli sa media center ng House of Reps. Ayon sa tsika, hindi raw napigilan ng mga miron na matawa sa kinahinatnan ng isa nating pinagpipitaganang Representative of the Philippine Islands.

Sa kainitan daw kasi ng isyung sex video nina Katrina Halili at Hayden Kho, nagtangka raw si Lady Solon na makidawdaw sa isyu sa pamamagitan ng pamumudmod ng mga press releases (take note, plural) sa mga totoong media pipol at ilang midya-midyahan.

Siyempre nga naman, mga kaparazzi, sa pamamagitan kasi ng mga press releases na naglalaman ng kanyang reaksiyon hinggil sa mainit na isyu, makalilibre siya ng exposure at babango ang pangalan niya.

Pero masyado naman yata niyang minaliit ang sense of discernment (naks, ibig sabihin, pagdetermina) ng ating mga kafatid in the press (pati ang ang ilang midya-midyahan) kung alin ang wala at may sense na press release (may ganun?). Kaya nga sa unang bugso pa lang ng mga PR from her office, dedma lang daw ang mga utaw sa media center.

Pero hindi pa rin sumuko si Lady Solon, nang sumunod na araw, inilabas niya uli ang mga press releases at binago lang ang date. Daya! Muli, wala na namang pumansin sa kanyang pangungulit.

Matapos magpalamig for two days, muli na naman niyang inilabas ang mga dinidedmang PR. Nagtawanan na lang daw ang mga tambay ng media center dahil sa tindi ng fighting spirit ng lady solon na parang linta kung kumapit sa isyu ng Hayden-cam.

Hirit tuloy na isang makulit na media bro, kung gusto raw mapansin ng lady solon, gumawa na lang daw sana ng sariling sex video. ‘Yun na!

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.