Lady Labor Attaché, Aprub sa Palasyo

PABOR ANG Palasyo sa suhestyon na babae ang italagang mga labor attaché sa Middle East matapos na masangkot sa ‘sex for flight’ ang ilang kalalakihang opisyal sa ME.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang pagtutol ang Palasyo sa mungkahi, pero dapat hintayin muna ang imbestigasyon ng proper agencies kaugnay sa akusasyong sex for flight syndicate kung saan ay sangkot umano ang ilang labor attaché.

Inihayag ni Akbayan Rep. Walden Bello na ilang labor officials sa Gitnang Silangan ang mismong sangkot sa sex ring operation na bumibiktima sa mga kawawang babaeng OFW.

Kabilang sa inakusahan ni Rep. Bello sina Mario Antonio na assistant labor attaché sa Amman, Jordan; isang alyas Kim sa Damascus, Syria at isang Blas Marquez ng Philippine Overseas Labor Office sa Kuwait.

Ibinunyag din ng Migrante International na 3 pang biktima ng sex for flight scheme ang nakahandang lumantad upang tukuyin ang mga labor officials na umabuso at nagbubugaw sa kanila sa Gitnang Silangan habang sila ay nasa half-way center ng Philippine embassy.

Sinabi ni John Monterona, vice-chairman ng Migrante na hindi niya tiyak kung ang tinutukoy din ng 3 biktima ay ang assistant labor attaché na si Antonio Villafuerte ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia na naunang tinukoy ng 3 lumutang na biktima.

Dahil dito, pinauwi na rin ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario ang mga ambassadors ng Pilipinas na may half-way house tulad ng Hongkong, Malaysia at Singapore upang tumulong sa isinasagawang pagsisiyasat sa mga sexual abuse sa distressed Filipino migrant workers habang sila ay nasa bahay-kalinga center.

Samantala, nauna nang pinauwi ni Del Rosario noong nakaraang linggo ang 13 chiefs of missions sa Middle East at North Africa upang tumulong din sa pagsisiyasat sa sex for flight scheme sa mga kawawang OFW.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Lady Labor Attaché, Aprub sa Palasyo

Leave a Reply

Your email address will not be published.