Lady Gaga, inireklamo sa pagsuot ng thai headdress at bikini sa concert!

daniel_radcliffe

Picture 1 of 3


KAAKIBAT NA
talaga ng Mother Monster na si Lady Gaga ang kontrobersiya sa halos lahat yata ng kanyang mga nagiging concert sa ilang bansa sa Asya. Halos karamihan sa mga conservative groups ay hindi sang-ayon sa klase ng image at  pagtatanghal ni Lady Gaga.

Nabalita ngang hindi natuloy ang kanyang pagtatanghal sa Indonesia at Korea at maging ang pagsalubong ng protesta sa kanyang concert dito sa ‘Pinas at ang pagkakaaksidente niya habang nagtatanghal sa New Zealand.

At ngayon nga ay kontrobersiyal na naman ang Mother Monster nang magtanghal ito sa Thailand.

Balitang nagalit ang mga government official ng Thailand nang isabit ni Lady Gaga ang flag ng Thailand sa ginamit nitong motorcycle sa kanyang concert habang suot ang isang Thai headdress at bikini noong magtanghal ito sa Bangkok noong May 25.

Ayon sa Reuters, itinuturing na “offensive”, “inappropriate” at “disrespectful” sa Thais ang paggamit ng Thai headdress habang suot ang bikini lamang.

Pormal nang nag-file ng complaint ang Culture Ministry ng Thailand at sinabi nilang wala silang intensyon na i-prosecute si Lady Gaga kundi ang idea ng paggamit ng Thai headdress at bikini ang ‘di nila sinasang-ayunan.

 

GISELE BUNDCHEN HIGHEST PAID MODEL PA RIN KAHIT 2 NA ANG ANAK!

 

KAHIT MAY anak na ang supermodel na si Gisele Bundchen at balitang nagdadalan-tao uli ay pasok na pasok pa rin ang modelo sa highest paid model sa buong mundo.

Sa isinagawang report ng Forbes ay nanguna pa rin ang Brazilian supermodel sa pangatlong pagkakataon sa pinakamalaking kinita sa pagmomodelo kung saan kumita ito ng $45 million.

Pumangalawa naman ang Brit supermodel na si Kate Moss na may $9.2M earnings.

Ang ilan pa sa pumasok sa top earners na supermodels ay sina Natalia Vodianova ($8.6M), Adriana Lima ($7.3M), Doutzen Kroes ($6.9M), Alessandra Ambrosio ($6.6M), Miranda Kerr ($4M), Lara Stone ($3.8M) at Carolyn Murphy ($3.5M).

Kataka-taka namang laglag sa pangalawang puwesto at ni hindi man lang nakapasok ngayon taon ang “Project Runway” host na si Heidi Klum.

 

DANIEL RADCLIFFE SASABAK NA RIN SA COMEDY!

 

FROM FANTASY to drama to horror at ngayon ay sa comedy naman mapapasabak ang “Harry Potter” superstar na si Daniel Radcliffe!

Gaganap ang aktor sa stage comedy na “The Cripple of Inishmaan” na tatakbo raw ng 12 weeks at mag-uumpisa na sa 2013.

In the stage comedy, the Hogwarts alumnus plays a disabled orphan stuck in a small town who desires nothing more than to make it off his tiny island and succeed as a star in Hollywood.

Nag-umpisa ang aktor na mag-shift into stage acting noong 2007 kung saan naging kontrobersyal ang kanyang pagkakaganap sa play na “Equus” dahil sa pagta-topless nito. Nasundan pa ito ng 2011 Broadway revival musical na “How To Succeed In Business Without Really Trying.”

At alam nyo ba, aktibo rin pala si Daniel sa pagtulong sa mga charities kabilang na ang Demelza House Children’s Hospice at The Trevor Project kung saan nabigyan siya ng “Hero Award”?

 

Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa

loading...

One thought on “Lady Gaga, inireklamo sa pagsuot ng thai headdress at bikini sa concert!

  1. NAKITA KO NA YANG PIC NI DANIEL RADCLIFFE NA HUBOT HUBAD, PERO MALIIT SIYA NUN TIME Na YUN SIGURO HINDI PA TUMETELAG HAHA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.