Lady Broadcaster ng DZME, todas sa ambus

ISANG LADY BROADCASTER ang namatay matapos barilin ng isa sa dalawang hindi na-kilalang kalalakihan habang ang una ay papasok para sa kanyang programa sa radio sa Malabon City kahapon ng umaga.

Ang biktima na hindi na u-mabot ng buhay sa Valenzuela City General Hospital (VCGH) sanhi ng tinamong tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa batok na tumagos sa kaliwang mata ay nakilalang si Marlina ‘Len’ Flores-Somera, 44-anyos, anchorwoman ng DZME, kasalukuyang presidente ng Silonian Neighborhood Association (SNA) at residente ng #35 Silonian St., Brgy. Maysilo ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing im-bestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Base sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong 9:45 ng umaga sa kahabaan ng Silonian St., Brgy. Maysilo.

Ayon sa ulat ng pulisya, kasalukuyang naglalakad ang biktima sa naturang lugar upang magtungo sa kanilang istasyon sa Victory Mall sa Monumento, Caloocan City para sa programa nito na magsisimula dakong 10:30 hanggang 12:00 ng tanghali nang bigla na lamang itong lapitan ng dalawang kalalakihan na armado ng baril.

Walang sabi-sabing nagpaputok ang isa sa mga suspek nang malapitan dahilan upang tamaan sa batok ang biktima na tumagos sa kaliwa nitong mata dahilan upang bigla itong tumimbuwang.

Mabilis namang nagsitakas ang mga suspek sa hindi natukoy na direksiyon dala ang ginamit na baril habang ang biktima naman ay isinugod sa nabanggit na pagamutan ngunit hindi na rin ito umabot ng buhay na idineklarang dead on arrival ng mga manggagamot.

Naniniwala naman ang mga kaanak ng lady broadcaster na problema sa lupa ang motibo sa nasabing krimen.

Forte ni Flores-Somera ang public service at nagsilbi rin siya sa DZXL at DZAR bago naging bahagi ng DZME noon lang Disyembre. (MARY H. SAPICO/ ROMAN MAGPOC/ EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.