Lacson, Walang Alok na ‘Rehab Czar’

PINABULAANAN NG ilang opisyal ng Palasyo ang ulat  na inaalok kay dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang posisyon bilang “rehabilitation czar” o tagapangasiwa sa trabaho ng gobyerno para tulungang makabangon ang mga biktima ng bagyong Yolanda.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na walang katotohanan ang lumabas na ulat kaugnay sa Lacson appointment.

Maging si Public Works Sec. Rogelio Singson ay pinabulaanan din na napag-usapan sa Cabinet meeting noong Biyernes ang pagkuha sa dating mambabatas.

“Wala. Walang usapan na ganoon,” pahayag ng kalihim.

Una rito, lumabas ang nasabing report na humingi umano ng dalawang araw ang dating mambabatas upang pag-isipan ang alok ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na maging rehabilition czar ng pamahalaan.

Tinukoy pa sa ulat na bukas umano malalaman at nakatakdang ihayag ni Lacson kung tatanggapin nito ang alok ng punong ehekutibo kung saan ang Palasyo ang mag-aanunsyo nito sa publiko.

Samantala, maaalala na sinabi na dati ng Pangulong Aquino na bibigyan ng puwesto sa pamahalaan ang dating senador gayundin si Kiko Pangilinan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.