Lacson, pumasok sa lungga ng ahas

PARANG ISINUBO ni dating Sen. Panfilo Lacson ang sarili sa “snake pit” o lungga ng ahas sa Palasyo nang tanggapin ang bagong posisyon bilang rehabilitaion chief, ayon sa pahayag ni Buhay Rep. Lito Atienza.

Duda si Atienza kung magtatagumpay si Lacson kahit pa hanga ito sa kakayahan nito.

Sinabi ni Atienza na wala kay Lacson ang problema kundi sa iba pang opisyal sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon na may kanya-kanyang interes.

Ayon sa kongresista, tiyak na mahihirapang kumilos ang dating mambabatas kung nakaharang ang ilang opisyal na hindi nagtutugma ng paniniwala kay Lacson.

Natitiyak umano niyang may magandang plano ang rehab chief para sa pagsasaayos ng mga lugar na hinagupit ng bagyo. Pero ang tanong ay kung maisasakatuparan ito.

Patunay aniya rito ang agad na pang-iintriga kay Lacson kahit hindi pa man ito nakapagsisimula sa trabaho.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.