Lacson, nagparamdam kay Binay

ITINANGGI NI Sen. Ping Lacson na may kinalaman sa nalalapit na 2013 election ang naging pakiki-pagkita at pakikipag-usap niya kay Vice-President Jejomar Binay.
Sinabi ni Lacson na friendly chat lamang ang nangyari nang puntahan niya si Binay matapos na pangunahan ng bise presidente ang induction ceremony ng Trade Union Congress of the Philippines sa Coconut Palace sa Pasay City.
Noon pa niya gustong mag-courtesy call at batiin si Binay nang bumalik siya mula sa pagtatago pero hindi siya nagkaroon ng tsansa, ayon sa senador.
Ipinaalala ni Lacson na si Binay ang presidente noon ng United Opposition nang muli siyang tumakbo bilang senador noong taong 2007. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.