Lacson, nagbabala kay De Lima

NAGBANTA SI dating Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na ilalabas nito ang sariling kopya ng affidavit ni Janet Lim-Napoles kung lilinisin o tatanggalin ng Department of Justice (DOJ) ang ibang pangalan na dawit sa multi-bilyong pork barrel scam sa isinumiteng sinumpaang salaysay ng negosyante.

“If it is sanitized, I will release to the public the list that I have. I have high hopes that Secretary de Lima will not sanitize the report. Whatever was given to her, let the axe fall where it should,” pahayag ni Lacson.

Napag-alaman na maliban kay Justice Sec. Leila de Lima, nauna nang nabigyan ng kopya ng affidavit ni Napoles si Lacson.

Ayon kay Lacson, maraming senador at kongresista ang isinangkot ni Napoles sa nasabing korapsyon.

“Sa Senate, may quorum so to speak, at least 12 senators. Sa House mahaba yung listahan. There were names you would expect to be there. Mayroong mga pangalan na nandoon na maingay, mayroong hindi masyadong maingay, mayroong tahimik basta, halo-halo doon. May nakaka-sorpresa, may mga na-expect ko na talagang dapat nandoon kahit hindi pa nabanggit sa media at hearings sa Senado at House, based on my own information,” pahayag pa ni Lacson.

Sinabi ng dating mambabatas na may isang senador sa listahan na mas mataas pa ang nakuhang kickback kumpara sa tinanggap nina Senator Bong Revilla Jr., Juan Ponce-Enrile at Jinggoy Estrada.

Nakalagay rin sa nasabing listahan ang pangalan ng mga opisyal ng DBM na sangkot sa kontrobersiya at mga senador na hindi pa kailanman nababanggit sa mga pagdinig.

Hindi man daw aabot ng 19 na senador, pero aabot ng quorum gayundin ang mga kongresistang nabanggit ni Napoles.

Mayroon daw isang senador na maingay kontra sa scam pero kasama pala sa listahan.

Naniniwala si Lacson na kaya ipinagkatiwala sa kanya ng mag-asawang Napoles ang nabanggit na listahan dahil siya raw ang malinaw na hindi dawit matapos tanggihan ang pork barrel fund.

“There were names (of senators who also received kickbacks) who were never mentioned yet during the hearings… While some of these names were not surprising, in a way I did not expect them (to be involved),” ani Lacson. “The three (Revilla, Estrada, and Enrile) appeared to have received a lot, but there was one who got more whose name has yet to be mentioned,” ayon pa sa dating senador.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.