Lacson, gusto nang sumuko

ISINAWALAT KAHAPON NI Justice Secretary Leila De Lima nagpadala na ng ‘surrender feeler’ si Senador Panfilo Lacson.

Halos isang taon nang nagtatago si Lacson matapos na mag-isyu ng warrant ang Manila City Regionla Trial Court para siya maaresto kaugnay ng double murder case na isinampa laban sa senador sa pagkamatay ng PR man na si Salvador “Bubby” Dacer at drayber nitong si Emmanuel Corbito.

Gayunman, sinabi ni De Lima na hindi sa kanya ipinadala ang surrender feeler, kundi sa isa pang opisyal na tumanggi na siyang pangalanan.

Tinitiyak naman ni De Lima hindi bibigyan ng special treatment si Lacson, sa sandaling sumuko na ito.

Itinanggi rin niya ang mga ulat na nasa bansa na si Lacson at nakatakdang makipag-usap kay Pangulong Benigno Aquino III kaugnay ng kanyang pagsuko.

Sinabi ni De Lima na nakatanggap siya nasabing impormasyon, gayundin ang National Bureau of Investigation (NBI), pero hindi pa nila ito nakukumpirma. (Parazzi Reportorial Team)

Faeldon, suko na rin

TINANGGAP NG MALACAÑANG kahapon ang desisyon ng isang rebeldeng sundalo na boluntaryon sumuko, sa pagsasabing pagpapakita ito ng kumpiyansa sa bagong administrasyon.

“We welcome Captain Nicanor Faeldon’s decision to voluntarily submit himself to the jurisdiction of a duly-elected administration,” sabi ni presidential spokesman Edwin Lacierda sa isang statement.

“It is an indication of his confidence that the Aquino administration will afford him his constitutional right to due process and a fair trial,” ani Lacierda.

Sinabi pa ni Lacierda na mananatiling matibay ang commitment ng admistrasyon na sundin ang isinaad ng batas sa lahat ng pagkakataon at sa lahat ng mga kaso.

Kabilang si Faeldon sa 300 sundalo na nagsagawa ng Oakwood Mutiny noong 2003. Nakulong siya kasama ang iba pang pinaghihinalang coup plotters at kinasuhan ng rebelyon kaugnay ng pang-aagaw sa kapangyarahin ng gobyerno. Bagama’t karamihan sa mga kasamahang sundalo ay nadakip, nakatakas naman si Faeldon.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.