Lacson, Dumalo na sa Cabinet Meeting

DUMALO SA cabinet meeting si dating senador at ngayon ay rehabilitation czar na si Panfilo Lacson.

Ito’y ilang oras lamang matapos ianunsyo ng Palasyo ang pagpirma ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Memorandum Order (MO) ukol sa binuong tanggapan para kay Lacson.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma na magsisilbi ang dating mambabatas bilang over-all manager at coordinator ng rehabilitation efforts para sa mga biktima at nasalanta ng iba’t-ibang kalamidad.

Dahil dito, mainam ang maagang pagharap ng opisyal sa mga pagpupulong ng gabinete upang makita at marinig na nito ang kasalukyang sitwasyon sa mga lugar na kaniyang aasikasuhin at tatrabahuhin.

Samantala, kabilang sa mga lugar na isasaayos ay ang Leyte, Samar, Cebu, Bohol, Negros, Capiz, Aklan, Antique, Iloilo at Palawan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.