Lacson, Asahan ang Patas na Laban – Revilla

TINIYAK NI Sen. Bong Revilla Jr., na magiging “friendly competition” ang laban ng kanyang anak na si Jolo Revilla kay Ronald Jay Lacson, anak naman ni Sen. Panfilo Lacson, bilang vice-governor ng Cavite sa darating na halalan sa 2013.

Sinabi ni Revilla na ang mahalaga umano ay mayroong pagpipilian ang mga mamamayan ng Cavite pagdating sa eleksyon.

Si RJ Lacson ay kasalukuyang chief of staff ng tanggapan ng kanyang ama sa Senado habang ang si Jolo ay barangay chairman ng Panapaan 7 sa bayan ng Bacoor at executive vice-president ng League of Barangays of the Philippines.

“Ang importante rito, kumbaga may pagpipilian ang mamamayan ng Cavite, kaya napakapalad ng mga Caviteño. Basta ito ay magiging friendly competition, if ever. Umasa sila na kami, patas na laban na haharap sa kanila. Kumbaga, walang personalan na labanan,” giit ng mambabatas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.