Lacson: 10 pulitiko, nakinabang sa bunkhouse anomaly

ALAM NA ni Presidential Assistant on Rehabilitation and Recovery Sec. Panfilo ‘Ping’ Lacson ang mga pulitikong nakinabang sa pagpapatayo ng substandard na bunkhouses para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban City.

Ayon kay Lacson, nasa 10 pulitiko ang naatim na tumanggap ng kickback mula sa contractor na hindi sinunod ang specifications ng DPWH sa bunkhouses.

Hindi man niya pina-ngalanan ang mga nasabing pulitiko, inihayag ni Lacson na mayroong mga kaalyado ng administrasyon at mayroon ding nasa oposisyon.

Sa ngayon, hawak na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga impormasyon ukol sa mga ito.

Kapag natapos na ang pagkalap ng ebidensya, agad na sasampahan ang mga ito ng kasong kriminal kahit malapit pa sa Pangulong Benigno ‘Noynoy Aquino III.

Samantala, sa pagharap sa media ni Lacson kasama ang mga eksperto sa rehabilitasyon, anim na linggo matapos maitalaga, binalaan nito ang mga pulitikong humaharang pa sa pagbangon ng mga nasalanta ng supertyphoon.

Hahanapin aniya niya ang sinumang uunahin ang personal na interes kahit ano pa ang partido nito, sa ngalan ng tungkulin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.