Laborer, Lasog sa Forklift

NAGKALASUG-LASOG ANG katawan ng isang laborer matapos magulungan ng forklift sa Nueva Era, San Manuel, Isabela.

Ang nasabing biktima ay nakilalang si Marcelo Mercado, residente ng Barangay Nueva Era, habang ang driver ng forklift ay si Jefordee Bayog, 25, tubong Bantay, Paracelis, Mt. Province ngunit pansamantalang nakatira sa Nueva Era.

Naganap ang insidente sa compound ni Jojo Rena sa nasabing barangay.

Base sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, minamaneho ni Bayog ang forklift nang su-mabit si Mercado sa likuran nito.

Kinabig pakaliwa ni Bayog ang forklift na naging dahilan upang tumilapon sa harapan si Mercado at nagulu-ngan.

Agad na namatay ang biktima dahil sa matinding pinsala na tinamo ng kanyang katawan.

Samantala, sumuko naman sa mga awtoridad ang driver ng forklift at nakatakdang sampahan na ng kaukulang kaso.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.