Labor groups, hinarap ni PNoy

BINUKSAN KAHAPON ang Palasyo para dinggin ang mga hinaing ng iba’t ibang labor groups.

Ito ay bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ng Labor Day sa darating na Mayo 1.

Base sa official schedule ay nagkaroon ng pre-Labor Day dialogue sa Palasyo pero hindi nabanggit kung anong grupo ang kabilang sa mga inimbitahang makipagdayalogo kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Maaalala na noong nakaraang taon ay kabilang sa mga nagbigay ng kanilang saloobin ay ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Pero hindi pumabor ang Punong Ehekutibo sa mga mungkahi ng TUCP sa pre-Labor Day dialogue noong nakaraang taon gaya ng pagsertipika ng Labor Tenure Bill bilang urgent bill at ang pagtataas ng tax exemptions.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.