Labor Groups, Dismayado kay P-Noy

DISMAYADO AT wala umanong napala ang ilang labor groups sa pakikipagdayalogo kay Pangulong Benigno  ‘Noynoy’ Aquino III sa bisperas ng Araw ng Paggawa.

Ayon kay Trade Union Congress of the Philippines Spokesperson (TUCP) Allan Tanjusay,  hindi tumugon sa realidad ng kinakaharap na problema ng mga obrero ang naging pahayag ng Pangulo.

Ginawang ehemplo ni Tanjusay para sa regular na meeting nila sa Pangulo ang mga isyu ng kontraktwalisasyon, agro-industrial plan, pagpapababa sa singil sa kuryente, demolisyon ng mga bahay ng maralitang taga-lungsod at ang panukalang gawing tax free ang bonus ng mga mangagawa na tumatanggap ng hanggang P60,000.

Sinabi ng TUCP na itutuloy nila ang pagsama sa malaking kilos protesta ngayon upang igiit ang P85 na dagdag umento sa sahod.

Samantala, una nang nanawagan ang Pangulo sa mga manggagawa at namumuhunan na itu-ring na Good Jobs Day ang Araw ng Paggawa at ipinagmalaki ang paglakas ng ekonomiya ng bansa na aniya’y may direktang epekto sa mga manggagawa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.