Labor Attaché na Sangkot sa Sex-For-Fly, Suspendido

PINATAWAN NG apat na buwang suspensyon ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz si acting Jordan Labor Attache Mario Antonio dahil sa simple misconduct matapos itong madawit sa sex-for-fly scheme.

Sinabi ni Baldoz na magkakabisa ang suspensyon 15 araw matapos na matanggap ni Antonio ang kopya nito.

Base sa report ng DOLE fact-finding team, napatunayan na gumamit si Antonio ng malaswang salita sa pakikipag-usap sa isang problemadong OFW at nahuli rin siyang nanonood ng pornographic materials sa laptop computer ng kanyang tanggapan.

Sa paglilinaw ni Baldoz, sa oras na maghain si Antonio ng motion for reconsideration ay maaantala ang pagpapatupad ng suspensyon.

Sinabi naman ng ilang impormante sa DOLE na naghain na ito ng motion for partial reconsideration sa hangad na mapagaan ang ipinataw sa kanyang parusa.

Maaalala na si Antonio ay kabilang sa mga labor officials na siniyasat ng DOLE dahil sa paghingi ng sexual favor sa mga OFW kapalit ng pagpapauwi sa kanila sa bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.