Labi ng Sanggol, Iniwan sa Chapel

ISANG BABAENG sanggol na walang buhay ang natagpuan  sa isang chapel sa Pandacan, Maynila, kamakailan.

Sinabi ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section na isang janitor ang nakapansin  sa kahon habang naglilinis ng chapel kaya ipinabatid kay Father Larry Abaes, parish priest.

Ang sanggol na nakasilid sa  kahon ng sapatos na nakabalot ng kulay puti na tela at plastic sando bag ay hinihinalang may 2 hanggang 3 araw pa lamang na isinilang.

Samantala, bago kinuha ng imbestigador ay binasbasan muna ang patay na sanggol, sa loob ng Adoracion chapel ng Sto. Niño Church sa Pandacan, Maynila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.