Labas-Masok sa Kulungan, Tinodas

ISANG LABAS-MASOK sa bilangguan ang binaril at napatay ng isang hindi nakikilalang suspek dahil umano sa paghihiganti sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Malabon City Police ang pinatay na biktima na si Angelo Figueroa, 34 anyos, alyas Wafu, nakatira sa Block 17, Lot 23, Phase 2-Ae, Dagat-Dagatan, Brgy. Longos ng nasabing lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Edsel Dela Paz, may hawak ng kaso, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa may Hasa-Hasa Alley, Dagat-Dagatan, Brgy. Longos.

Lumalabas sa ulat ng pulisya, kasalukuyang nakaupo ang biktima sa harap ng isang piso net at nakikipag-usap sa kanyang kaibigan nang biglang lumitaw ang isang hindi nakikilalang lalaki na nakasuot ng helmet at red jacket mula sa likuran ng biktima sabay baril sa batok ng dalawang beses.

Duguang humandusay sa kalsada ang biktima habang ang suspek ay mabilis na sumakay sa kanyang motorsiklo na walang plaka at mabilis na tumakas patungong Lapu-Lapu Avenue sa Malabon.

Nabatid na bago umano barilin ng hindi nakikilalang suspek ang biktima ay pagalit na tinuran nito ang mga katagang “Wafu, sorry ka na lang, sinaktan mo ang anak ko”.

Kaagad na dinala ng mga kaanak ang biktima saTondo Medical Center subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hiniga sanhi ng tama ng bala sa leeg na naglagos sa noo ng biktima.

Nakarekober ang pulisya sa lugar ng pinangayarihan ng insidente ng dalawang empty shell mula sa .9mm caliber pistol at isang deform slugs mula sa nasabing kalibreng baril.

Napag-alaman pa na ang napatay ay nakulong sa Bureau of Corrections sa Muntinlupa City at lumaya noong 2011 matapos bunuin ang sentensiyang 12 taon sa kasong Murder at Frustraed Murder at muling nakulong noong August 2012 sa Malabon City Jail sa kasong Robbery with Violence and Intimidation of Person at nakalaya noong Octber 2012 matapos na makapaglagak ng piyansa.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.