Labanan sa House Minority Leadership, ‘Close Fight’

NANANATILING ‘CLOSE fight’ ang labanan sa minority leadership ng House of Representatives bago ang pagbubukas nang regular session ng 16th Congress ngayong araw.

Ito’y dahil sinasabing kapwa nangangarap at interesado sina San Juan Rep. Ronaldo Zamora at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa naturang puwesto.

Sinabi ni partylist Rep. Neri Colemenares na nasa kay Zamora umano ang boto ng tinaguriang “Makabayan bloc” matapos magkasundo ang kanilang grupo sa nangyaring pulong noong Sabado.

Hindi naman papatalo si former minority leader at Quezon Rep. Danilo Suarez sa pag-endorso kay Romualdez.

Ang Leyte solon ay sinasabing suportado ng mga kasapi ng Lakas-CMD party.

Una na ring nagpahayag ng suporta ang 10 kongresista sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) sa majority bloc kung kaya’t inaasahan na mahahati ang boto ng mga mambabatas sa pagitan ni Zamora at Romualdez.

Sa ngayon, tiyak na ang re-election sa House speakership ni Quezon City Rep. Feliciano Belmonte at ang talunang contender ang siyang mamumuno sa hanay ng minorya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.