Laban kay Mayweather, ‘di na tuloy: Manny Pacquiao, takot o tinatamad?

HINDI NA RAW matutuloy ang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather.

Kinumpirma ito ng business manager ni Manny na si Eric Pineda sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado at ewan ko lang kung magagawan pa rin ng paraan iyan.

Pumayag na si Manny ng drug test na hinihingi ni Mayweather pero sa hatian naman na 40-60 sila hindi nagkasundo.

Mukhang malabo nang matuloy ‘yan, ha?! Kahit si Manny ay nairita na rin daw at ang tagal nang hindi naaayos iyan.

Sabi na lang ni Manny, kung hindi pa rin daw mapipirmahan ang kontrata, sabi raw ni Bob Arum, baka mag-rematch na lang daw sila ni Cotto o lalaban ito kay Margarito.

Nangako pa naman si Manny na huling laban na niya iyan kaya maganda sana kung si Mayweather na ito. Pero mukhang takot naman yata si Mayweather o baka tinatamad na nga si Manny. Kasi kung talagang gusto na niya talagang lumaban, hinayaan na niya kung anong hatian ang gusto ni Mayweather basta matuloy lang para mapatunayang hindi rin siya takot, ‘di ba?

Anyway, sabi naman ni Jinkee Pacquiao, mabuti na ‘yun para makapag-concentrate na rin si Manny sa bagong responsibilidad niya bilang kongresista ng Sarangani.

Wala na rin namang kailangang patunayan pa si Manny.

HINDI NA AKO nakapunta sa binyag ng anak nina Paolo Contis at Lian Paz na si Xonia Aitana kahapon, Linggo naman kasi. Hindi talaga ako lumalabas sa ganu’ng araw.

Pero alam ko, stars-studded ang binyag na ‘yun na talagang pinaghandaan nang husto nina Paolo at Lian dahil gusto nilang ibigay na ang pinakabongga sa kanilang anak.

Ilan sa mga ninong at ninang na nangakong dadalo ay sina Dingdong Dantes, Raymart Santiago, Dra. Vicki Belo, Nadia Montenegro, ang mga kasamahan ni Lian sa EB Babes na sina Saida, Mergene at Madel, at saka mga executives ng GMA-7 na sina Lilybeth Rasonable at Winnie Reyes.

Labing apat na pares ang ninong at ninang na sabi naman ni Paolo, lahat ‘yun ay pawang malalapit sa kanila na deserving na tatayong pangalawang magulang ng kanilang anak.

Ang alam ko, dadalo rin si Mark Herras kasama si Ynna Asistio dahil close kay Lian ang huli at si Mark naman close din kay Paolo. Kaya wala na raw isyu sa kanila ‘yun kahit alam naman ng lahat na ex-boyfriend ni Lian si Mark.

Balak pa nga ni Paolo na kunin si Mark na ninong sa susunod nilang baby.

Nakakaloka si Paolo at Lian, huh! Ngayon pa lang pinag-uusapan na nila ang isusunod nila sa anak nila. Gusto raw sana kasi ni Paolo na magkaroon na sila ng baby boy para stop na sila at saka raw nila paplanuhin ang kasal.

Ang balak nila, mga two to three years from now ang kasal para naglalakad na raw si Xonia nila at ‘yun ang magiging flower girl.

Talagang ganu’n na sila kaseryoso sa kanilang relasyon na wala na raw atrasan, sila na raw forever. Sana nga! ‘Yun naman ang wish ko sa kanilang dalawa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Laban kay Mayweather, ‘di na tuloy: Manny Pacquiao, takot o tinatamad?

  1. psychological war lang yang ke gayweather. empre nun sita naghahabol ngayon si manny naman ang maglalaeay. alam kasi ni gayweather that manny needs him to validates manny’s greatness. kung wala nga namang gayweather mahirap isama sa pedestal ng mga great boxers si manny. kasi its not the winning thats going to be important, its how you played.

  2. patawa nmn 2ng c lolita stars-studded daw!
    ala nga khit isang my pangalan sa mga bisita
    tapos sasabhin mong star studded bka starless kamo!

  3. hoy lola lolit!!wla kang alam sa boxing kaya manahimik ka!!sa tingin mo takot c manny ky gayweather??talaga ngang wla kang alam!bobo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.