La Mesa Dam, Tinanggal sa Red Alert Status

DAHIL SA umaaliwalas na ang panahon, inalis na sa red alert status ang La Mesa Dam sa Quezon City.

Sa ngayon ay nasa yellow alert na lamang ang nasabing dam, ayon kay La Mesa Dam Headworks Manager Engr. Teddy Angeles.

Inaasahan aniya na tuluy-tuloy na ang pagbaba ng lebel ng tubig hanggang sa tuluyan nang bumalik sa normal ang sitwasyon kung hindi na bubuhos ang malakas na ulan.

Mula alas-5 kahapon ng madaling-araw, nasa 79.65 na lang ang water elevation sa La Mesa Dam na bahagyang malayo sa spilling level na 80.15.

Kamakalawa ay umabot ito sa 79.72 kaya itinaas sa red alert na nangangahulugang dapat maghanda ang mga residente na posibleng maaapektuhan kapag umapaw ang dam.

Sa pahayag naman ni Office of Civil Defense (OCD) director Benito Ramos, hindi umano malayong mag-overflow ang naturang dam dahil sa kawalan ng gate na maaaring buksan upang magpakawala ng tubig. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.