La Mesa Dam, Malapit Nang Umapaw; Paglikas, Inirekomenda

INILAGAY NA sa red alert ang sitwasyon sa La Mesa Dam, alas-11 kahapon ng umaga.

Ito’y dahil sa umaabot na sa 79.52 meters ang tubig sa dam at konti na lamang, aabot na ito sa spilling level na 80.15 meters.

Sinabi ni Teddy Angeles, headworks manager ng La Mesa Dam na inirekomenda na ang paglilikas sa mga residenteng malapit sa Tullahan River na siyang daraanan ng tubig mula sa dam.

Naabisuhan na aniya ang mga maaapektuhang lugar tulad ng Fairview, Quezon City, Malabon at Valenzuela City. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.