Kylie Padilla, wala nang ‘special relationship’ kay Aljur Abrenica?!

NGAYONG ARAW na ito (Wednesday, January 25)  ang 19th birthday ni Kylie Padilla. Pero isang surprise birthday party ang ibinigay sa kanya ng Papa niyang si Robin Padilla last Saturday (January 21).

Si Rocco Nacino ang naging special guest ni Kylie sa birthday party niyang ‘yon.

“Bakit si Rocco? Siyempre siya ang leading man ko sa The Good Daughter,” natawang paliwanag ni Kylie nang matanong namin.

Dalawa raw ang special gift na natanggap niya for her birthday. Pero ayaw na niyang sabihin kung kanino galing.

“Basta ‘yong isa, sa akin na lang kung ano. ‘Yong isa naman, relo.”

Galing ba sa dati pang napapabalitang boyfriend niyang si Aljur Abrenica ‘yong isa sa dalawang sinasabi niyang birthday gift?

“Secret!” natawa ulit si Kylie.

Bakit wala si Aljur sa surprise birthday party na ‘yon para sa kanya?

“Basta… sa amin na lang ‘yon!” pag-iwas niya na sagutin ang tanong.

Dati, lantad sa lahat ang pagiging malapit nila sa isa’t isa ni Aljur. Bakit parang nawala na ‘yong special na pagtitinginan nila?

“Eh, kasi, totoo naman na hindi na po kami masyadong nagkikita. Sa Party Pilipinas na lang,” kung saan regular silang napapanood every Sunday.

Ano nga ang nangyari at parang nawala ‘yong tila pagkakamabutihan na nga nila dati?

“Hindi naman po nawala. Ano lang… nagtatrabaho lang kami. ‘Yon lang po.”

So, pinag-usapan nila na work muna ang pagtutuunan nila ng panahon?

“Hindi naman sa… ewan ko. Gano’n naman kasi ang nangayayari, eh,” muling natawa si Kylie. “We’re just working.”

Nakita namin before kung gaano sila ka-sweet ni Aljur sa isa’t isa kapag nagkakasama. Tapos ngayong biglang parang naging matabang na ang samahan nila. May nagbawal ba?

“No. We just ano… inuna namin ‘yong career. Hindi naman po kasi kami pumasok sa showbiz para may lovelife.  Pumasok kami para magtrabaho.”

Pero kasama rin ng buhay showbiz ‘yong nai-in love ang mga artistang nagiging close o madalas na nagkakasama?

“Pero dapat marunong po kayong mag-balance. Dapat gano’n! Ha-ha-ha!”

Parang may nangyari ngang something sa kanila ni Aljur na naging daan para maging gano’n ang thinking niya ngayon?

“Wala. Hindi po. Ano lang… nag-isip din ako. Since I’m getting older. Tapos meron akong bagong series na The Good Daughter. Siya rin, kailangang mag-focus sa movie niya (ang My Kontrabida Girl with Rhian Ramos under GMA Films).

“So… iyon na ‘yon.”

 

DAHIL BUSY sa taping ng Legacy si Heart Evangelista at ang boyfriend naman niyang si Daniel Matsunaga ay abala sa football at magti-taping na rin para sa isang bagong project, nabawasan ang oras nila para sa isa’t isa. Pero wala umanong epekto ito sa magandang takbo ng relasyon nila ngayon.

Sabi nga ni Heart nang makakuwentuhan namin sa Party Pilipinas last Sunday… “It’s always good to be apart from time to time. Because siyempre when you’re always together, parang wala nang bago. ‘Di ba? ‘Eto… marami akong kuwento.”

Minsan, nangyayari na ang mga lalaki, nasusuong sa sitwasyong open sila to temptation to flirt with other girls kapag bihira silang magkita ng karelasyon nila?

“Pero hindi siya gano’n.  Hindi siya gano’n. Definitely he’s not the type to be flirting with anybody. He’s not that type,” kampanteng nasabi ng aktres.

“Okey naman kami so far. After naming maging busy, the next day magmi-meet kami or susunduin niya ako… ganyan.  Tapos magmu-mall kami. Or punta kami sa restaurant. Kain-kain. Tsika-tsika. O manonood ng movie. Ganyan. The whole day kaming magkasama kung may time. Pero kung wala, okey lang. Hindi na kami masyadong… kasi kapag pressure… you know, mas mabigat.

Malapit na ang Valentine’s Day. At birthday rin niya sa mismong araw ng mga puso? Ano ang mga plano ?

“I have no plans. But I have great expectations. Because it’s my birthday nga. And it’s Valentines, so I expect the best. And I do believe that he (Daniel) really want great things to happen kahit isang araw lang ‘yan. Kaya niya.”

Magkakaroon ba siya ng bonggang birthday party?

“Wala. Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari sa birthday ko. Kasi ini-expect ko talaga ang surprise. So, hayaan na lang natin silang magplano. At isa si Daniel nga siguro sa nagpaplano. Kaya feeling ko, mas exciting ang birthday ko for this year.”

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Kylie Padilla, wala nang ‘special relationship’ kay Aljur Abrenica?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.