Kylie Padilla, umatras sa serye nila ni Dingdong Dantes!

NALOKA NAMAN ako nang ikinuwento sa akin na umatras daw si Kylie Padilla sa drama series nila ni Dingdong Dantes na Pahiram ng Sandali.

Nu’ng kamakalawa ng hapon ko lang nalaman na hindi na pala siya tutuloy. Naglabas daw ng statement ang manager niyang si Betchay Vidanes na hindi na raw itutuloy ni Kylie dahil hindi pa raw bagay sa edad niya ang ilang maselang eksena gaya ng kissing at bed scene kay Dingdong at meron pa yatang isang karakter du’n na gagampanan ni Neil Ryan Sese.

Siyempre ang unang nag-react diyan si Robin Padilla na hindi pa handang mapanood ang anak niya nang ganu’n.

Kahit si Kylie ay hindi pa rin daw ready kaya nag-decide silang huwag na lang ituloy.

Nanghinayang pa naman si Kylie dahil ito bale ang kauna-unahan niyang primetime show, at si Dingdong pa ang kasama at mga bigatin pang major support na sina Lorna Tolentino, Sandy Andolong at Christopher de Leon.

Kinulit ko sila kung sino na ang kapalit, wala pa silang sinasabi.

Medyo maingat daw sila ngayon sa pag-decide dahil mahalaga  ang role na ito at siyempre hindi lang basta-bastang artista ang ipapalit nila.

Tahimik lang sila sa isyung ito dahil gusto nilang i-surprise na lang at sa presscon na nila iri-reveal kung sino na ang kapalit sa role na ito.

Naloka naman ako, kasi ang dami namang nangyari sa project na ito. Nu’ng una, ‘yung Haram na nagkaproblema kaya hindi na itinuloy. Ito na nga ‘yung Pahiram ng Sandali ang ipinalit na ang buong akala ko, tuluy na tuloy na. Tapos biglang nagkaproblema na naman.

Sabi naman nila, itutuloy pa rin daw nila ang taping ngayong linggo na sisimulan muna nina LT, Boyet at Sandy.

Abangan na lang natin kung sino na nga ang ipapalit kay Kylie. Hay, naku! Ang gulo, huh!

 

SINILEBRAYT PALA ni Pauleen Luna ang birthday niya nu’ng nakaraang Sabado, at kung napanood ‘nyo sa Eat Bulaga, basta binati lang siya.

Siyempre, dedma-demahan lang sila du’n kahit kasama si Bossing Vic Sotto.

Walang may nagkantiyaw na kiss o batiin ni Bossing si Pauleen dahil nagkakaintindihan naman sila.

Si Pauleen na rin kasi ang ayaw nang pag-usapan pa ang tungkol sa kanila ni Bossing at gusto niya tahimik lang siya. Pero lagi naman niyang sinasabing masaya siya at wala na siyang mahihiling pa.

Kinulit ng mga kaibigan niya kung may celebration ito sa birthday niya, wala raw.

Tinanong siya kung meron silang celebration ni Bossing, hindi sumagot. Feeling ko meron pero quiet lang siya talaga.

Kaya ibigay na lang natin ang katahimikan na ‘yan!

Happy birthday na lang sa alaga ko!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.