Kylie Padilla, pinayagan nang magsarili ni Robin Padilla

KUMPARA DATI na talagang hinihigpitan si Kylie Padilla ng ama niyang si Robin Padilla, ngayon ay maluwag na ito sa kanya. Kahit sa pakikipagrelasyon ng aktres kay Aljur Abrenica, wala nang anumang pagkontra ang action star.

“It’s about time!” nangiting sabi ni Kylie nang makausap namin kamakailan. “I’m twenty years old. Puwede na akong mag-start na maging independent.

Nagpaplano na nga raw siyang bumukod at mamuhay nang mag-isa. Pero kailangan pa raw niyang paghandaan ito.

“Pumayag na si Papa, eh. Nag-iipon lang ako. Gusto ko lang maging handa. Bago ko planuhin na magsolo. Siyempre, kailangan kong ihanda ang sarili ko financially.

“Actually ngayon, wala kaming kasama sa bahay. So, talagang kami lang ang naglalaba ng kapatid ko, ‘yong mas bata sa akin, si Chen Chen. So, kami ang naglalaba, nagluluto, naghuhugas ng pinggan. Kami lahat. And… marami na rin akong alam na lutuin!” natawang kuwento pa ni Kylie.

Ano ‘yong specialty niya na nagustuhan o naging paborito ni Aljur?

“Pininyahang manok. ‘Yon ang paborito niya sa mga iniluluto ko. Hindi siya nagpupunta sa bahay. Sa labas kami nagkikita. Mga three times a week, we see each other kapag hindi kami masyadong busy. We eat out. Okey naman kami. Masaya!” sabi pa ni Kylie.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Kylie Padilla, pinayagan nang magsarili ni Robin Padilla

Leave a Reply

Your email address will not be published.