Kylie Padilla, mas type na daring si Aljur Abrenica!

MARIING SINASABI NINA Kylie Padilla at Aljur Abre-nica na friends lang silang dalawa. Pero kung papansinin ‘yong sweetness nila sa isa’t isa sa fans day ng aktor kamakailan na ginanap sa Trinoma Mall, iisipin mong nagkakamabutihan na nga sila.

Marami nga ang naintriga na sa duet nila, talagang Please Be Careful With My Heart pa ang kanilang kinanta. Na parang feel na feel nila pareho ang bawat linya ng nasabing love song.

Tanong nga namin, theme song nila ‘yon?

“Hindi!” natawang reaksiyon ni Kylie. “I’m here because… siyempre support para sa kanya. At saka parang… masayang kumanta. Mahilig akong kumanta, e. In-invite ako ng handler (iisa ng handler sina Aljur at Kylie) namin, e.”

Maluwag na raw ang papa niyang si Robin Padilla sa kanila ni Aljur ngayon? Payag na raw ito na lumabas-labas sila basta umano may curfew na susundin si Kylie?

“Actually ako po ang nagsabi no’n. Pero hindi naman po… curfew. Ah… kasi may mga trabaho kami. Na hindi lang naman lovelife ‘yong iniintindi mo. Kung lovelife man ‘yan. Dapat responsible ka pa rin.”

Pero dati kasi, may intriga nga na naalarma si Robin kay Aljur no’ng nagsisimula pa lang silang maging close ng aktor, ‘di  ba?

“Siguro noon. Pero wala na ‘yon. As a father, gano’n talaga.”

Wala talagang naniniwalang friends lang sila.

“Basta may care.” Ani Kylie. “Siyempre may care. Pero hindi naman ‘yong… kami na. Basta… special na siya sa akin.”

Ano pala ang nakakapigil para formally eh, maging sila na?

“Career. At saka ‘yoko po kasi no’ng ano… naging boyfriend mo lang tapos nag-break kayo. Ibig kong sabihin, never pa akong nagka-boyfriend. First time ko pa lang kung sakali. Kaya mahirap. Hindi gano’n kadali.”

So… si Aljur ang first?

“Kung ia-ano natin, siya ‘yong nando’n.”

Formality na lang yata ang kulang sa kanila ni Aljur para madeklarang sila na nga?

“Pero hindi talaga, e. Parang… ewan ko.”

Gusto naman niya si Aljur, ‘di ba?

“Oo.”

At gusto rin siya ni Aljur?

“I think so!”

Ilang beses na nagkaharap na naman daw sina Aljur at ang ama niyang si Robin. The last time was during the story conference daw ng pelikulang Mr. Wong sa Regal Films kung saan magkakasama silang tatlo.

Siguro when they started shooting daw, maiilang nang konti si Kylie kapag nando’n sila halimbawa ni Aljur tapos Robin is there din.

“Pero pagdating sa set, trabaho lang.”

Hindi naman daw talaga naging mahigpit si Robin.

“Wala naman ka-ming ginagawang masama, e. At never naman silang (Aljur and Robin) hindi naging okey.”

Sa katatapos na Cosmopolitan Bachelor’s Bash 2011, nanood siya. Marami ang nagri-react na sa lahat daw ay si Aljur ang pinaka-tame o balot na balot. ‘Yong iba, naka-undergarment talaga at halos ipasilip na ang kanilang private part.

Kaya raw ba hindi na-kipagsabayan na mag-bare si Aljur ay dahil nando’n siya?

“Hindi naman. Wala naman akong say do’n. Actually mas gusto ko na medyo daring! Ha-ha-ha! Magugustuhan ng mga fans iyon. At iyon ang gusto namin, mapasaya ang mga fans. Okey lang kung da-ring siya. Ha-ha-ha!”

May nagpakita nga ng behind sa mga rumampa, ‘di ba? Paano kung gano’n din si Aljur?

“Oh my God! Iti-tape ko na lang ang reaction ng crowd! Ha-ha-ha! Hindi ko na siya (Aljur) titingnan! Ha-ha-ha!”

Bakit naman?

“Kasi baka mapatili ako na… ayyyyy! Gano’n siguro ang magi-ging reaction ko. Ha-ha-ha!”

After no’ng pagrampa ni Aljur nag-dinner daw sila.

“Kasama namin ‘yong kapatid niya, si Tita (Auntie niya), tapos ‘yong driver.”

Nai-imagine kaya niya ang sarili na rarampa rin sa FHM’s sexiest woman sa mga darating na panahon?

“Ayokong magsalita nang tapos. Pero sa ngayon, ayoko. No!”

Dahil baka kung ano ang ma-ging reaction ng Papa niyang si Robin?

“Ha-ha-ha! Actually may sinabi si Papa sa akin… anak ilalaban na kita sa FHM! May curve ‘yong katawan mo! Ha-ha-ha-ha! Pero… ayaw niyang magsusuot ako ng bikini. One piece okey lang siguro sa kanya. Ewan ko lang, ha! Alangan namang no piece?” tumatawang nasabi pa ni Kylie.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

4 thoughts on “Kylie Padilla, mas type na daring si Aljur Abrenica!

  1. Ang puti at kinis ng complexion ni Kyllie. Malinis pa tingnan si Kylie, sana hindi sya magpaluko kay Aljur. Daming mga nega blind item about Aljur na pumapatol daw ito ng bading, totoo ba ito? Kung totoo man ito, what happens to what we call morality? Kailangan ba talagang ibenta na nila ang katawan nila at pati na kaluluwa nila para lang makatikim ng magandang kabuhayan. Paano ba itong mga taong ito pinalaki ng mga magulang nila na walang mga values.

Leave a Reply

Your email address will not be published.