Kylie Padilla, marunong makisama sa co-stars

Kylie-PadillaLEKSYON NA rin ‘yan sa mga kabataang artista na ang iba minsan ay ang bilis umakyat ang hangin sa ulo nila. Akala  mo sino nang sikat, na sa totoo lang, hindi pa nila napagdaanan ang kasikatan nitong mga kilalang beteranong artista.

In fairness, ang isa sa mabait at marunong makisamang young star ay itong si Kylie Padilla, ha!

Ang ganda-ganda pa niya, pero napakabait at wala kang nababalitaang may nakaaway na co-stars. Siya na lang nga ang inaagrabyado, eh.

Totoo siyang makisama sa mga co-stars niya at pati sa mga press.

Kaya nga gustung-gusto siya ng mga reporters dahil napakatotoo niyang sumagot. Hindi siya marunong magsinungaling, hindi marunong mang-eklay.

Siya naman ngayon ang paboritong tsikahin ng mga reporters dahil pinu-promote niya ang bagong drama series niyang pang-afternoon drama ng GMA 7 na Buena Famila.

Sa Lunes, July 27 na ito magsisimula na papalit sa timeslot ng Yagit na magtatapos na ngayong Biyernes.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.