Kylie Padilla, kay Aljur Abrenica pa rin ang bagsak?

Kylie-Padilla-Aljur-AbrenicaBAKIT HANGGANG ngayon ay nag-i-emote daw itong si Kylie Padilla sa Instagram account niya?

Inamin naman niya sa publiko na break na sila ng non-showbiz boyfriend niyang si Matt Henares.

Ayaw na niyang idetalye ang dahilan ng break-up, pero mukhang may kinalaman talaga sa long-distance love affair. Pero may mga sinasabi pa raw siya sa IG account niya na parang tinutukoy ang katatapos lang niyang lovelife.

Sabi naman niya nu’ng nakausap ito ng Startalk, hindi na raw siya magpu-post para hindi na mapansin. Pero meron pa rin naman siyang pinu-post.

Ito pa namang si Kylie, hindi marunong magsinungaling kaya gustung-gusto siyang panoorin sa Startalk.

Sabi lang niya, mas mabuting sa trabaho na lang daw siya mag-focus. Ayaw na raw muna niyang isipin ang lovelife, dahil kailangan daw niyang mag-work nang mag-work.

Hindi kaya ang ending, balikan lang naman sila ni Aljur Abrenica?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleKapatid ni Coco Martin na si Ronwaldo Martin, indie actor na rin
Next articleBimby Yap, pilit na ipina-partner ni Kris Aquino sa kapatid ni Daniel Padilla na si Carmela

No posts to display