Kylie Padilla, itinangging naging sila ni Aljur Aberinica!

AYAW SANA ng GMA-7 na pag-usapan pa ang isyu nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, pero hindi naman maiwasan dahil ‘yun ang gustong malaman siyempre ng mga reporters.

Sa presscon ng The Good Daughter nina Kylie at Rocco Nacino, sinagot pa rin naman ni Kylie ang isyung break na raw sila ni Aljur pero sobrang safe ito.

Paano raw umabot sa break-up gayong hindi naman naging sila. Wala pa nga silang inamin sa publiko kaya mahirap aminin ‘yang break-up na ‘yan.

Sabi pa ni Kylie, wala naman daw nabago sa kanila ni Aljur dahil magkaibigan pa rin daw sila. Medyo matagal na nga raw silang walang komunikasyon at hindi na nga raw sila nagkikita, pero magkaibigan pa rin daw sila. ‘Yun na!

Ganu’n din si Aljur, safe din ang mga sagot. Nanatiling friends pa rin daw sila ni Kylie.

Na-link pa nga ito sa isang baguhang si Ava Jugueta raw, pero itinatanggi niya ito dahil talagang magkaibigan lang daw sila. Kasabay raw niya dati ‘yun sa Starstruck pero hindi nga lang ito pinalad, pero friends daw sila dahil may komunikasyon daw sila sa Twitter.  

Mas focused daw muna siya ngayon sa trabaho lalo na’t may pelikula sila ni Rhian Ramos na Kontrabida Girl. Doon lang daw muna at wala munang love.

Ibig sabihin, pareho sila ni Kylie na loveless sa darating na Valentine’s Day? Tingnan na lang natin kung ganu’n nga ang mangyari.

 

NAG-GUEST NGA ako, kasama si Ricky Lo, rito sa Kontrabida Girl at kapansin-pansin na ang laki nga nang ipinagbago ni Rhian pagkatapos nang mga pinagdaanan niya.

Lagi nga naming pinaglalaruan, pero tahimik lang si Rhian at hindi ito nagrereklamo. Malaki ang suporta sa kanya ng GMA-7, dahil talagang hindi siya iniwan at itinuloy pa rin ang pelikula nito.

Ang alam ko, bago matapos ang buwang ito ay magsi-showing na itong Kontrabida Girl. Dito magkakaalaman kung talagang tanggap na tanggap na ng mga tao si Rhian, pagkatapos ng mga isyung hinarap nito.

Kumusta kaya ‘yung mga kasong isinampa nila noon kay DJ Mo Twister?

 

ABANGAN N’YO pala sa Startalk ang exclusive interview namin kay James Yap. Kasama ni James ang abogado niyang si Atty. Lorna Kapunan at inilabas na rin nito ang mga nararamdaman niya sa annulment nila ni Kris Aquino.

Nagsalita na si Kris sa The Buzz nu’ng Linggo at ngayon naman ay si James ang abangan n’yo sa Startalk. Bukod sa isyung annulment, lilinawin na rin nito ang hindi mamatay-matay na isyu nila ni Isabel Oli.

Ewan ko ba, parang hindi naman naging sila, pero pilit pa rin silang inili-link.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

10 thoughts on “Kylie Padilla, itinangging naging sila ni Aljur Aberinica!

  1. ANU PA NGA BA! BASTA GAWANG GMA SUPER FLOP! MGA TRYING HARD MGA ARTISTA, MGA WALANG CLASS, SAYANG LANG ANG BINABAYAD NG MGA PUMAPASOK NA COMMERCIALS SA KANGUSO!

  2. hehehehehe dapat lang na mag behave ang anak na ito ni Robin Padilla, balita ko ito ang paboritong anak nya. Kaso nga lang kapag tuloy tuloy pa rin ang pambababae ni Binoe, pagakatapos nyang pakasalan si Mariel. Tiyak ko itong anak nyang si Kylie ang PAMBAYAD UTANG!!! Saka lanag siguro matatauhan yang si Tandang Robin.

  3. kylie padilla= another ‘one of those’ stars of kapuso. another sure flop soap of kapuso.

    flop pa rin naman ang movie nika rhian at aljur. aljur pa lang, maiinis ka na sa akting nya, puro pacute. dapat binigay na lang kina marian at dingdong tutal naman sila lang ang artista ng kapuso! hahahaha

  4. Pingback: Kylie Padilla, itinangging naging sila ni Aljur Aberinica! | Celebrity Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published.